5/13/08

Tulongan nyo naman ako

Hay naku. Ito na naman ako nakasalang sa computer . gustong gustong magblog , wala naman akong alam na kwento o gumawa sana ng kahit ano'ng something na nakakainggano gaya ng ibang bloggers. To be honest, last week of april this year lang ako nag umpisang magblog at sabay ngayon lang ako humarap sa computer namin . Tinuroan lang ako ng mga anak ko para daw ako'y malibang. ON and OFF ang unang itinuro tapos kung paano magblog na. Ito na nga ako, nawiwiling magbasa ng mga post ng mga bloggers, marami nga akong natutunan at marami akong kwento na nababasa at nakikitang pictures na hindi ko nakita noon. sa tanda ko'ng ito, akala ko'y ang curiosity ko noon ay sapat ko ng napag aralan, nakita , nalaman o naexperience, napanuod o nabasa sa books, dyaryo o magazines ay wala pala sa kalingkingan ang natututunan ko ngayon sa mga bloggers lalo na ung mga buhay buhay sa ibat ibang sulok ng mundo. Isang oras lang ako click ng click sa computer bumibisita sa ibat ibang site ng mga bloggers para na akong nakarating sa ibat ibang bansa . Para akong nakapagtourist ng libre hehehe.

Kaya please lang, dalawin nyo naman ang blog ko pagtyagaan nyo na lang kung anong meron. Hirap kong pagandahin lalo na' nasira pa ng pamangkin ko ang digital camera ko. Wala pa naman akong ibili kasi enrollment na naman ang mga anak ko.

Plzzzzzz.

12 comments:

Liz said...

hay naku, wag kang mag-alala at di lang ikaw ang ganyan ang pakiramdam pag enrollment na hahaha. pare-pareho tayo :)

masarap mag-blog ako rin hindi ko rin akalaing ma-hook ako sa blogging. hindi ko rin ine-expect na pwede rin palang kumita dito hahaha.

Anonymous said...

nay, hwag kang mag-alala... magiging suki mo ako. gusto ko rin turuan magblog ang nanay ko kaso sa ON and OFF pa lang umiinit na pareho ang ulo namin. hehehe!

Rio said...

hello po...
ok lang po yan...ako din po e..computer illiterate hanggang ngayon...dalaw dalaw lang po kayo nay sa mga blog para malibang libang po kayo...=)
buti nga po kayo may blog e..
nanay ko po wala..=)

Anonymous said...

Hello Nay!! Happy Mother's day.. Swerte naman ng mga anak niyo dahil ang cool ng mom nila may blog.. hehe!! Sasabihin ko din po sa mga iba kong kaibigan na bisitahin blog niyo.. Salamat sa pagbisita ng blog ko po. Ingat!! Godbless

kingdaddyrich said...

ahahaha.. promise natawa ako sa post na ito. very transparent. well anyway goodluck sa blogging.

i have a tip though, sana open for all ang comments dito. kasi napansin ko lang, google blogger saka open id lang ang pwede mag comment. how aboust yung iba na nasa ibang blogging platform tulad ko. :D

btw, here's my blog. napadaan po kayo sa blog ko. :D

http://kingdaddyrich.com

sige, ill visit your blog as often as i could! take care po!

marie said...

Wala din akong kaalam alam dito noon pero naturuan din ako ng pinsan kong si girlie http://hipncoolmomma.com kaya ako tuloy natuto at kumikita ng konti dahil sa pagbablog.
Wag kang mag alala at lahat ng mga bloggers ganyan nagsimula. Sa mga susunod na araw marami ka ring mga topics na maipopost baka ikaw pa nga ang kulangin ng oras pati na sa pagbisita ng mga links mo. I added you in the following sites which you can also visit if you have time.
http://www.mariegvergara.com/
http://www.vanidosa.blogspot.com/

raqgold said...

very frankly spoken, sige, magtulungan tayo :D ako kaya dami kong kwento kasi wala kong ibang ka kwentuhan kundi yung blog ko e, waaahhh :D dahan dahan lang; kapag type mong mag sulat, sulat. kapag hindi mo naman type, wag ka magsulat. at make sure na may katabi ka parating papel at ballpen kung sakaling may inspirasyon ka para sa sunod na post mo, para hindi mo ba malimutan! good luck sa ating lahat!

Anonymous said...

hi nanay. :) salamat po sa pagcomment sa blog ko ha.. ^_^

hmm, welcome po pala sa inyo sa mundo ng blogging.. :D gusto ko rin pong turuang magblog/computer ung nanay ko pero ayaw nya. hehehe.. ^_^

dalaw dalaw lang po kayo sa mga blogs.. :) makakaisip din po kayo ng maibo-blog.. ^_^

tc!

Anonymous said...

Hay naku nanay belen, huwag ka pong mag alala lahat tayo dumaan sa ganyan, dati aanga-anga talaga ako sa pagbablag, ginawa ko bloghop dito bloghop doon, kung ano meron ang blag nila dapat meron din ako kasi feeling ko yun ang in e , pero nung bandang huli narealize ko na kanya-kanyang diskarte ang pagbablag pero nandyan yugn tulong ng mga kapwa blagista, kaya don't worry..be happy lol!! ayan o dami mo nga komento.

naalala ko nanay ko dati tinuturuan ko mag chat lol! pero malabo na maturuan kong magblag yun, kasi kung mababa ang self esteem ko, mas mababa tingin nya sa sarili nya kasi sabihin nya at least ikaw nakapag college sya hindi lol!

Maligayang araw ng mga ina pala sa yo noong linggo Nanay Belen at salamt sa laging pagdlaw at pag iwan ng komento :)

Nanaybelen said...

liza, ifoundme, dra.rio,emoboyblue,kingdaddyrich, marie, raggold, karmi, mailenya:


MARAMING salamat po sa inyong lahat. Nag ka-comments na ang blog ko hehehe.

Rio said...

walang anuman po nanay belen!!=)

GODDESS said...

nay! hayaan mo, palage ko na bibisitahin tong blog mo.. kakatuwa ka po, grabe! hehehe!