5/14/08

Nahihiya akong maglagay ng Title

Sira ang digital camera ko kaya nagpunta ako sa Pentax Service Center, Sta Cruz Manila . Nag-jeep lang ako kaya bumaba ako ng Hedalgo St at dali dali naglakad papuntang Sta. Cruz Manila. Wala na akong napansin sa dinadaanan ko kahit ang mga naglalako ay halos mabangga ko sa kagustuhan ko'ng magawa agad at meron naman akong 1000 pesos sa wallet ko at yun lang ang pwede kong i-budget sa camera .Na check up nga ang camera at sabi na nasira ang lens kaya pag - ipaservice , magbayad daw ako ng 6,700 pesos. Asssus.... ang mahal naman..e mag-e-enroll pa ang mga anak ko. Frustrated akong palabas ng service center. Dahan dahan na lang akong naglalakad malungkot at nag-iisip kung paano makapagproduce para sa Camera na halos hindi ko na mapansin ang paligid at nababangga na ako nang mga naglalako. Nasa bandang Carriedo na ako sa may gilid ng Quipo Church nong may matandang babae nakangiti sa akin kinakawayan ako na parang kilalang kilala ako at sabi "halika dito halika dito". Sya ay may hawak na baraha. Nasense ko na lang na manghuhula sya .
Ayaw ko nga, dahil sabi sa Bible study namin masama ang nagpapahula, at naniniwala sa hula . Sa Diyos tayo dapat maniwala. Pero.... dahil siguro sa frustration ko that time para akong tinutokso ng demonyo at unti unti kong lumingon kaliwa't kanan baka may church mate akong makakita sa akin kasi Quiapo ito. Hinimas himas ng matanda at binalasa ang baraha. Sabi niya ay magkakapera daw ako. Alam kong magkakapera ako dahil may tindahan ako at enough lang sa mga bills and expenses namin. Ine-insist nya na magkakapera ako aside sa tindahan. Bibili daw ako ng ticket sa Lotto kasi nakikita nya daw na mananalo ako. Ayan na nga bumili ako ng lotto ticket para mapagawa ko ang kamera ko. Nabuhayan na ako at napawi ang dati kung lungkot at masaya akong umuwi at dumaan sa Jollibee bumili ng humburger meryenda namin mag iina. Hindi ako nagkwento sa mga anak ko dahil baka sabihin kung ano ano ng pinaniniwalaan ko.
Exited na ako ng 9pm at nanuod ng tv sa pagbola ng Lotto. Hayyyy nanalo nga ako ! 3 digits lang= P40 lang . Ayaw ko na po.

13 comments:

Rio said...

hehe..nagpahula kayo nay??
hmm....makapagpahula ga din baka sakaling manalo ako ng jackpot sa lotto...=)

Nanaybelen said...

dra.rio- good luck sa iyo. sana manalo ka ng jackpot

Ishna Probinsyana said...

hindi talaga ako naniniwala sa hula-hula. pero maitry nga din minsan. hehe.

Anonymous said...

nay, nagpahula ka na lang din naman, bat di mo pa pinahula yung numero na lalabas para sa jackpot ng lotto? sana pinahula mo para kung manalo ka, papalibre ako sa jollibee. :)

Nanaybelen said...

Ishna probinsyana; padasem baka manalo ka.salamat sa dalaw

ifoundme; akala ko kasi pag tumaya ako sure na na manalo na e.salamat sa dalaw

Unknown said...

hello mommy ayos lang po at least nasimulan nyo nang makapagpost dito. Dami nyo na nga agad kuwento eh hehe. Natuwa akong basahin siya keep on posting po.

Anonymous said...

Pag ako nay ang naka jackpot Mcdo ang ililibre ko sa inyo bonus pa na ako rin ang magmamascot. LOL!
:-)

GODDESS said...

natutuwa ako kasi napadaan ako sa blog mo nay.. friends na tayo ha! hehehe...

next time nay, wag ka na papabola sa mga yun. dasal lang tayo palage.

Ely said...

nakakatuwa magpahula kahit alam mong binobola ka lang nila. hehehe. May friend ako na may kakilalang manghuhula at confirmed nga na pare-pareho lang halos ang sinasabi nila sa mga nagpapahula, ung mga tipong applicable sa lahat.

Ely said...

nanay belen, Ilokana ka met gayam? hehe

Nanaybelen said...

Klitorika; Salamat ha.

emoboyblue; pag may apo na ako , dyan sa mc do mag-birthday at ikaw mascot ha.

goddes; ok. salamat

ely; husto ta kunam . wen garud

Anonymous said...

nay, ba't wala ka pang bagong entry? si emo nagpaparinig. ayaw sa jollibee. sige na nga mcdo na at kung sya si grimace ulit hahampasin ko puwet nyan. hihihi!

raqgold said...

hahaha, ako nanghuhula rin :D kaya lang bakit kaya di ko mahulaan ang tatamang mga numero sa lotto? balato kami pag nanalo ka.