5/4/08

mY PRECIOUS KIDS

I was waching tv drama series , nong biglang sinabihan ako nang anak kong 17 years old. " Ma...bakit ka nanunuod nyan! .... may kissing seen pa!..... Parental Guidance yan ! {pasigaw at parang galit} Medyo nagulat ako at napatingen kami nang anak kong 18 years old sa kanya. Nagkatingenan kaming tatlo sabay hagalpk ng malalakas na tawa.

Parang kailan lang, maliliit pa sila noon, hinihili ,pinapatulog,pinapadede pinapaliguan, kailangan hindi matutuyoan ng pawis, kinakausap kahit hindi pa makapagsalita, habang tulog may sweet music pa. sinusuboan kumain (steamed na dinurog na patatas, calabasa carrots at dinurog na saging ang meryenda.Alalayan tumayo, lumakad hanggang marunong tumakbo , 4 years old pa lang enenrol na sa private school... 8 thousand ang tuetion, hatid sundo at ang dami dami na agad ang libro -3000 pesos naman ang bayad sa libro, tapos may school service na , ,,,,, e mga 1000 meters away lang ang layo ng school sa bahay namin, 500 pesos a month naman ang bayad. ........... Samantalang ako noon 6 na taon gulang ako pumasok sa public school, grade one agad. Isang lapis na itim. isang pad na grade 1 paper at isang libro na ABAKADA ang dinadala araw araw. Di ko nga matandaan kung may notebook noon... parang wala.

Sa dinami dami ng gastos na kailanganin ko sa 2 bata ay takot na takot ako noon, makaya ko kaya?...mapalaki ko kaya sila na mababait na bata na hindi ako susuwail sa gusto ko? ayaw ko kasi ang barkada na nagsisigarilyo, ayaw ko ang nakikipaginoman, ayaw ko ang gimik . ayaw ko ng tambay tambay saan saan lang. Gusto ko church linggo linggo, aatend sa mga bible studies at ibang church activeties. At mag-aral ng mabuti. Kailangan walang bagsak at mataas ang grade.

Well... Nagpapasalamat naman ako sa Diyos mababait naman sila at nag aaral ng mabuti kaci ok naman ang grades nila . Pareho silang Instrumentation and Control Engineering .Sana hindi sila magbabago. Yong pogi kong anak ay madalas kumakanta sa church , magaling din syang magguitara. Yong maganda kong anak , kahapon lang nagpapaalam sumama sa swimming daw .Pero hindi ko pinayagan dahil hindi ko personal na kilala ang mga kasama[ freinds ng isa nyang freind sa school}. Hindi naman nya ako kinulit pero medyo depress sya. pinangakoan ko na lang sya ng lunch somewhere in megamall mamaya .

Thank you ,thank you talaga LORD. Feel na feel ko talaga ang paggabay NYO sa akin. Ayan... naluha na naman ako. O sige na nga. SALAMAT PO.

5 comments:

Ely said...

sweet... i've seen you po visiting my blog and i got curious i thought i should visit your blog too. I like your posts. Very motherly. Congratulations for having nice, God-fearing kids. It reflects ur being a great mom.

Oman said...

How time really flies.

Thanks for visiting my blog. I will be back soon. Have a nice day!!!

princess_dyanie said...

Awwww. na touch naman ako dito..

bilis talaga ng panahon. Lucky you for having wonderful kids. :)

Liz said...

time flies so fast, ako rin hindi ko akalain na me dalaga na. mahirap magpalaki ng mga anak pero kagaya mo, im thankful na nakaya namin ng husband ko, pero i salute you, ikaw kinaya mong magisa. bilib ako sa yo. ang galing mo!

advance happy mothers' day sa iyo isang magaling na ina :)

Wedding Glitters said...

hello! thank you for dropping by a comment on my latest entry. dahil sa post nyo naalala ko mom ko. you're b blessed to have kind kids :P happy mother's day!