5/21/08

Matagal na paghi-hintay parin kahit computer age na

Deretso ako ng banko magbayad ng bills ,along show boulevard (May 20, 2008). Dumating ako 10:30 am at no. 111 at no. 34 pa lang ang tinatawag. Medyo crawded na ang loob nang banko na ito. Dalawa ang open na teller booth pero halos iisa lang ang nag se-serve dahil yong isang teller ay paminsan-minsan lang magtawag, busy sa kanyang counter nakayuko nakatututok sa kanyang computer at minsan bilang ng bilang ng pera na wala silang pakialam o kahit man lang tignan ang mga reactions ng mga clients nila. Para hindi ako mainip sa paghihintay, inoobserbahan ko na lang isa isa ang mga facial expression ng bawat isa.Meron na pong inaantok, may balisang -balisa na at di na mapakali sa upoan. yon naman nakatayo ay di na maipinta ang mukha. meron din yong parang nananakit na ang paa,(Kulang kasi ang upoan)
Anyway, natapos din ako ng 01:45 pm.

Sana lang mag dagdag pa ng teller..

9 comments:

Anonymous said...

hay naku nay.. subukan mo magwala at tawagin ang manager at gagalaw ang mga yan. pare-pareho lang lahat ng ahensya ng gobyerno. wala namang problema ang paghihintay kung alam mong gumagalaw silang lahat. ang problema minsan nakikita mo nagmemake up lang o di kaya tumitingin sa mga piktyurs during opis hour. kaya minsan, nagawang magwala ng tita ko dyan sa manila kasi ganun nga ang nakikita nya at dahil eroplano pa sasakyan nya para makauwi, hindi nya na napigilan sarili nya... at kagaya ko pag sobrang nainis, ang ingles habang ang boses ay kulang na lang guguho ang building sa sobrang lakas. di lang yun... inisa isa nya ang mga empleyadong nakita nyang nagmemake up lang at tumitingin ng piktyurs.

ewan ko kung kelan magbabago ang mga tao. parang nasa sistema na talaga ang pagkainsensitive ng mga tao.

Nanaybelen said...

ifound me;;; Ang sarap nga silang pasabogin ng granada ang opisina nila.

Rio said...

kawawa naman po kayo nay..dapat pinagalitan nyo sila..hehe=)

Anonymous said...

sa madaling sabi 'nay walang pagbabago sa sistema ng gobyerno.. Anoa ba 'nay babaguhin ko na ba ang sistema ng gobyerno o gobyerno ang babaguhin ko? :-)

raqgold said...

dapat pinalo nyo pwet ng mga yan, nanay :D hay alam mo lahat yata ng govt employees, actually kahit na hindi govt employees daming ganyan. kahit na dito sa alemanya, feeling nila busing busi sila parati. pero at least dito, kapag kinalampag mo at pinagsabihan mo, walang personalan. trabaho sila kasi dyan sa pinas gagantihan ka pa e, lalo kang pag antayin, lintek.

Anonymous said...

naku ganyan talaga.. naalala ko nung nagpa authenticate ako ng birthcertificate.. sobrang tagal din ng transaction.. kung di mo sila pagsasabihan di sila gagalaw.. ganyan na talaga siguro ang mga empleyado ngayon ng gobyerno..

Anonymous said...

>> bugtong hininga <<

nakakalungkot isipin
sana di na lang ganun ..

dati ako empleyado ng gobyerno. sandali lang tinagal ko kasi para sa bagong graduate nuon na puno ng idealismo, ang hirap sikmurain ang nakikitang di kanais nais. kung kokontra, dadami kaaway, magiging impiyerno ang bawat araw na pagpasok sa opisina. pag tatagal at magtitiyaga unti unti kang kakainin ng sistema...

>> bugtong hininga <<

Anonymous said...

hai nanay nasa vital organ na po ata niya yan, nauuna ang pe-text(text) at pe-tsis (tsismis)...

Ely said...

Yan ang mga dahilan kung bakit ayaw ko kumuha ng NBI clearance, passport, pumunta ng SSS, magdeposit sa bangko, etc.etc... Lagi na lang may pila.