5/16/08

Langgam

Nakaupo ako sa terrace namin nong napansin ko ang mga langgam gumagapang back and fort hanggang naubos ang piece of choc.olate sa may tabi ng bintana. Nagkakaisa sila na imbaken ang maliit na chocolate patungo sa ilalim dumaan sa maliit na butas. Sinundan ko ang sinusuotan nila mula sa chokolate ay about 3 meters. Sa tingen ko napakalayo yon na lalakbayen nila kasi pabalikbalik pa at ang liliit nila . Napakaluwang ang sahig at pwede na lang silang magshort cut ng daan pero para silang nagkakaisa na doon lang ang daanan nila na exactong 3 lanes lang para sa kanilang size. HIndi nila kailangan ang ala Bayani Fernando na magpagawa ng daan nila. Parang Edsa bumper to bumper sila pero hindi naman sila natatrafic at lahat ng langgam ay hinhalikan pa ang bawat makasalubong. Walang plastikan. Wala din banggahan na nangyayari kahit salubongan sila na walang sinusunod na traffic light. Wala din silang nakabantay na parang MMDA sa mga lumalagpas sa linya o mga hindi sumusunod ng traffic rules. Wala din bantay na parang pulis na mangungutong o mangbwaya sa mga daladala nilang chocolate. Lumiit na ang chocolate, hindi ko inexpect na kusang naglapitan ang siyam na langgam at pinagtulongan buhatin. Hindi ko sila nakitang nabangayan o nagsession na parang sa senado para pagdesisyonan kung buhatin na o inut inut na lang nilang trabahuin para makapaglakbay muna
parang Gloria.

9 comments:

Anonymous said...

ganyan po talaga. di ba sa Bible namention na dapat gayahin natin ang mga langgam sa kasipagan?

ayokong nagsusulat about politics natin kasi i know i have so much to say and minsan masyadong masakit ako magsalita. parang dumating lang ang realization sakin na ayoko ng magpoint ng fingers kung sino dapat sisihin kasi ako mismo may kakulangan sating bansa.

naging seryus po ako pero dahil lang yan sa sobrang mahal ko ang pilipinas. malapit na akong iship off papuntang america kaya mas gusto ko pang magreklamo na lang parati tungkol sa buhay ko at paligid ko kesa titingnan ko at pupunahin ang mga mali sa bansa natin. i don't make sense nay...

at honga pala, nanghinayang ako dun sa chocolate na nilanggam. kanino ba yun?

Liz said...

haay.... mabuti pa ang mga langgam. :)

Nanaybelen said...

ifound me;; o sige na . erase natin yan politics na yan. Thank you sa comment




Liz;; oo nga Liz buti pa ang langgam, marami silang nakaimbak na bigas

GODDESS said...

grabe nay! nagkaron ka pa ng panahong uriratin ang buhay ng mga langgam! hehehe!

pero, we could learn a thing or two sa mga ants. and if only ma-apply ng bawat tao ang mga lessons na galing sa mga langgam, tingin ko the world will be a better place...

ingat nay!

Dakilang Islander said...

usapang hayop tayo ngayon ah..heheh

Anonymous said...

Buti pa sila tahimik, walang gaanong problema, nagkakaisa.

Anonymous said...

kung sana nagkakaisa ang mga nasa senado tulad ng mga langgam baka sakaling maging maayos ang bansa natin.

Salamat po sa pagbisita sa munti kong bahay. Balik po kayo! :)

Ely said...

Buti pa ang mga langgam, marunong gumawa ng tama, di tulad ng mga lumulustay ng tax natin dun sa senado at Malakanyang!

Anyway, add po kita sa links ko.
Salamat...

Nanaybelen said...

goddess- yan din sana ang inaasahan ko.


dakilang islander;;oo nga..

monaco;; tahimik na sila , may naisosuksuk pa noh?

missymishel; wala kasi silang pagkakaisa . para lang kasing personal interest lang ang pakay nila

ely;;; salamat ely