Yan ang isang turo ng aking mga magulang na hindi ko malilimutan although hindi ko pa gaanong naintindehan noon dahil nga bata pa ako noon ,,,estudyante... at nagkaroon ng job pero shifting naman kaya hindi applicable pa ang laging gumising ng maaga.
Dumating ang panahon na di ko inaasahan na kailangan kong magresign to take care of my two babies -One & a half years old and one month infant , Hindi kaya ng powers ko na ipaalaga sa iba ang mga angels na ito.
Para mabuhay, nagsari-sari store ako sa may garahe ng bahay namin {wala naman kaming sasakyan}. habang nagti-tinda, nagaalaga ng bata. pag tulog ang bata. nagtitinda, naglalaba, nagluluto. I have only one jumbo automatic washing machine. Landline pldt telephone kasi lahat ng paninda ko itenatawag ko lang. Kailangan ko lang maging malakas determinado at planohin nang mabuti kung ano ang dapat gawin at syempre GUMISING NG MAAGA. Sayang kasi ang pambayad sa katulong- ibayad na lang sa educational plan {Phil_AM para hindi maloko}
Ok naman ang takbo ng store ko kaya lang marami akong pinagdaanan gaya nang....Buksan ko ng maaga ang tindahan para Maaga Pa lang ay papasok na ang pera {sabi naman ang mga
Chinese} Kadalasan ganito ang nangyayari. Pag maaga akon nagbubukas ng tindahan.
Kapitbahay# 1. "Belen pautang muna ng Isang kilong asukal at 50gms na nescafe at 3 itlog na rin tutal babayaran ko naman sa ng sweldo ko."
Kapitbahay#2 Dumating ang isang bata. " Aling Belen pautang daw ng tocino ibibigay daw ni mama pagkaligo ni papa.{ Emplyado sa Makati at nakakotse nga pag pumapasok}
Kapitbahay @3 Dumating naman ang isang matandang pensionada. Pautang dyan ng 3-in one na kape at milo para sa apo ko.
Kapitbahay #4 Lumapit naman ang isang maladonyang mommy. Akin nga muna yong 3 noodles mo dyan ibibigay ko ang bayad pagdating ang padala ng asawa ko. {nasa saudi asawa}
Kapitbahay # 5 Nagmamadali ang isang mommy na may hawak hawak na malutong na 1ooo pesos. " Belen pabarya naman pantaxi ng anak ko kasi papasok na andyan na ang taxi.{anak nya nag-aaral ng medicine.
Kapitbahay#6 Tumatakbo palapit ang isang katulong na ang amo ay madalas bumili ng coke at sinasabi mamaya ang bayad hindi daw dala ang walit. " Aling Belen paload naman ng Smart 115pesos kasi tumawag yong nanay ko sa Masbati , may sakit daw sya. at nangangailangan daw siya ng pera Tatawagan ko sya para kunin na lang pera sa LBc . " Sabay dukot ng pera sa bulsa at binayaran ako ng cash at dumukot ulit pambayad ng shampoo....
Hay.. salamat sa wakas may benta na ako . may pera ng pumasok sa tindahan ko. Mabuti pa ang isang kasambahay na sumusweldo ng dalawang libo lang kada bwan, marunong bumili.
8 comments:
wow! nay, ang sipag nyo naman po...=)
dapat bawal po ang utang pag maagang maaga..malas po daw yun sa business e..=)
dra rio;; oo nga e. kaya lang wala akong magawa
nay belen..super mom ka talaga. store din ng mom ko di maiwasan ang utang so nag set na lang sya ng limit, say P500 per customer. Pag nag exceed na sa limit, no credit na and these customer already know so di na sila hihirit. pag bad payer naman, blacklisted na sa store nya.
buhay pinas ganito talaga ano? pero dapat mag set ka dapat ng limit dahil kabuhayan mo rin yang tindahan mo di ba?
wedding glitters- kahit mag set- makulit talaga.Nagbabayad naman sila .kaya lang , hintayen kung kailan nila gusto'ng magbayad
raggold--ganon nga sana. kaya para walang gulo at nagbabayad naman. lakihan na lang puhunan
nay, maglagay ka sa labas ng store mo ng NO UTANG ALLOWED. protection din yan... iba kasi biglang nakakaamnesia sa mga utang nila.
nay, ayos ka talaga! baet baet mo.. wag ka lang papaabuso ha! lam mo naman ibang tao diyan satin, minsan di maiwasan maging balasubas.
ingat po nay!
goddess;;;;; Salamat. correct ka. nagiingat na ako talaga sa mga balasubas
Post a Comment